Ginamit ang Cubao
bilang isang lugar ng karahasan at katatakutan ni Tony Perez. Bilang isang
probinsiyano, kahit walang kuwento ng multo o aswang sa siyudad, ito ay isang lugar
na puwedeng ugatan din ng katatakutan ko. Dahil sa mga balita mula sa
telebisyon at pahayagan, nalaman ko noon kung ano ka tindi ang krimen at
karahasan sa siyudad. At ang Cubao, bilang lugar na nakasentro ang komersiyo,
ay isang tagpuan na perpekto para sa krimen at karahasan.
Dahil nga na
laking -probinsiya ako, noong una akong makapunta sa Metro Manila, ako’y
nabaguhan sa mga nagtataasang mga gusali at iba’t ibang pasiyalan. Nawala na sa
isip ko noon ang mga nabalitaan ko tungkol sa krimen sa siyudad. Nabibighani na
lamang ako sa laki nito. Pero ngayon, parang wala na lang sa akin ang mga ito,
ang lahat ng iyon ay normal na lamang sa akin. Akalain niyo, nabibighani na nga
ako noon sa tatlong palapag na Robinson’s mall sa Bacolod (na nasa Negros Occidental). Isa sa mga palagi
kong pinapasiyalan ay ang Cubao.
Ilang beses na
akong nakapunta sa Cubao. Malapit lang kasi sa Katipunan, at maraming lugar na
puwedeng pasiyalan. Paminsan-minsan, gabi na ako umuuwi mula doon. Marami
namang mga tao at mukhang wala namang kababalaghang nangyayari doon. Hindi ako
naniniwala sa mga multo ngunit mula sa nabasa kong mga kuwento ni Tony Perez,
may nararamdaman akong kaunting takot kapag pumupunta hindi lamang sa Cubao,
pero sa ibang lugar din sa Metro Manila. Parte ng sarili ko ang natatakot dahil
sa mga balita tungkol sa siyudad, ngunit parte din ng sarili ko ang naniniwala
na may ibang bagay pa ang nangyayari na puwede ring katakutan. Iyon ang takot
sa kawalan ng kasama o ang pagiging mapag-isa.
Kapag pumupunta
ako sa Cubao, palaging mag-isa lang ako. Minsan kasama ko ang isang kaibigan o
grupo, pero palaging ako lamang mag-isa. Masaya man minsan dahil ako’y malaya,
mediyo may nararamdaman pa rin na kakaiba. May nararamdaman ako na pagkakulang.
Kahit nasa lugar ako na punong puno ng tao, ako ay nagnanais na may kasama na
kakilala para matuwa naman ako sa pamamasiyal. Siguro nga dahil sa dami ng
taong nasa paligid ko, mas nararamdaman ko ang matinding intensidad ng pagiging
mapag-isa. Minsan habang namamasyal ako, ay natanto na parang hindi lang ako ang
mag-isang namamasyal. Kahit saang pasiyalan ako mapadpad, talagang may taong
mag-isa ding namamasyal. May nararamdaman akong alienation.
Ang Cubao bilang
sentro ng komersiyo, na tagpuan ng kuwento at ang aspektong ‘alienation’ ng mga
taong nagmula sa siyudad ay nakatutulong ng lubos sa paghila sa mga mambabasa
sa punto ng katatakutan. Ang paggamit ni Tony Perez ng Cubao bilang lugar ng
kamatayan, multo at kung ano-ano pang kababalaghan ay akma sa ating sariling
persepyon kung ano ang “takot”. Dahil sa karamihan ng tao at kaguluhan ng
siyudad, ma
Sa kuwento niyang
Cubao 1980, kahit nakasentro ang Cubao sa pagpapaggamit ni Tom ng kanyang katawan
sa iba’t ibang lalaki. Ito’y naging mahalaga dinsa dislokasyon ni Tom sa tunay
niyang sarili. Naramdaman niya ang tindi ng pagkaka-alienate niya mula sa dami
ng taong nakapaligid sa kaniya. At sa huli, naging saksi siya sa pagpapatay sa
kaibigan niyang si Butch.
Isang maikling
kuwento naman ni Tony Perez na “Ang Traysikel”, ay nagsasalamin din sa perspektibo
ng karamihan kung ano ang “takot”. Ang multo ang mismong ginamit ni Perez
bilang kasangkapan sa paggawa ng krimen. Sinabi nga ni Lauro(ang multong
traysikel drayber) sa kuwento na “Hanggat hindi nawawala ang pang-aapi sa
mundo, hindi rin nawawala ang multo”.
Ang takot ay isang
bagay na sikolohikal lamang. Nagmula lamang ito sa ating pag-iisip, pero ang
resulta ng matinding takot ay minsan nakamamatay. Bilang isang maliit na tao sa
isang malaking mundo, marami tayong bagay na hindi makokontrol. Dito umuugat
ang takot dahil sa kawalan ng alam kung ano ang mangyayari sa atin. Importante
lamang siguro na tayo’y maging mapagbantay pero huwag mabahala nang masiyado
kung wala namang talagang seryosong nangyayari. At sana mahanap na atin ang
ating totoong sarilii sa mga bagay na mahal natin na kahit nasa mundo tayo kung
saan minsan ang takot ay nananaig.
No comments:
Post a Comment